Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang 4 na kainuman ng biktima sa Mariveles, Bataan na nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nangyari ang insidente kagabi sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Sa inisyal na impormasyon, nag-iinuman umano ang apat kasama ang biktimang lalake na edad 40 anyos nang bigla na lamang itong humandusay sa veranda.
Nang tingnan ng mga kasamahan, may tama ng bala ng baril sa tagiliran ang biktima dahilan ng kanyang pagkasawi.
Ani Fajardo, kanilang pinag-aaralan kung ito ba ay biktima talaga ng stray bullet.
Marami kasing insidente ng patayan lalo na kapag naka-inom na at nagkaroon pa ng pagtatalo.
Samantala, isa rin ang naitala ng PNP na namatay dahil sa paputok.
Habang dalawa naman ang nasawi matapos sumabog ang isang cargo truck sa Marikina City noong isang buwan na napag-alamang may lulang mga ilegal na paputok.