4 na Kumpirmadong kaso ng COVID-19, Naitala sa Probinsya ng Apayao

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan ng apat (4) na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Probinsya ng Apayao ngayong araw.

Ayon sa Provincial Health Office, kabilang ang naidagdag na dalawang kaso sa Bayan ng Luna at dalawa naman sa Bayan ng Sta. Marcela.

Isinailalim na sa temporary lockdown ang tatlong bayan kabilang ang Bayan ng Pudtol.


Nakapagtala ng kabuaang pitong (7) kumpirmadong kaso ang Lalawigan ng Apayao habang nakarekober ang isang health worker mula sa Bayan ng Conner.

Samantala,umabot na sa 30 ang kabuaang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region.

Facebook Comments