COVID-19 cases sa bansa, halos 25,000 na; record high recoveries, naitala ngayong araw

Pumalo na sa 24,787 ang kumpirmadong COVID-19 sa bansa.

Batay sa Department of Health (DOH), ito ay matapos maitala ngayong araw ang 615 na panibagong kaso.

336 dito ay mga fresh habang 279 naman ang late cases.


Naitala rin ngayong araw ang 289 record high recoveries na umabot na sa 5,454.

16 naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 1,052.

Facebook Comments