4 na lalaki na sangkot sa magkakahiwalay na insidente ng credit card fraud, arestado

36

Pasay City – Arestado ang apat na lalaki na sangkot sa magkahiwalay na insidente ng credit card fraud sa Pasay City.

Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group PIO, Senior Inspector Artemio Jun Cinco Jr. – modus ng mga suspek na umorder ng mga appliance online na hindi sa kanila.

Kinilala ang mga suspek na sina Marciano Bajamonde at Eric John Arellano habang hiwalay na nahuli sina Agustin Gonzales at Albino Pineda Jr.

Aniya, hindi pa malinaw kung magkakasabwat ang apat.

Hinahanap na ng mga awtoridad ang iba pang posibleng kasabwat.

Inaasahang isailalim sa inquest ang mga suspek ngayong araw at kakasuhan ng paglabag sa access device act in relation to cybercrime law na may parusang anim hanggang 12 taong pagkakabilanggo at multang 100,000 pesos.

Facebook Comments