Pusher, timbog sa buy bust operation

18

Manila, Philippines – Arestado ang isang umano’y drug pusher na nakuhanan ng video na nagtutulak ng iligal na droga.

Ayon kay Sr./Insp. Ramon Aquiatan – kinilala ang suspek na si Rodel Paulino kung saan nabawi sa kanya ang anim na sachet ng hinihinalang shabu at 500 pesos marked money.

Iginiit naman ng suspek na hindi sa kanya galing ang mga narekober na droga.

Aniya, ipinakisuyo lamang ito ng kanyang kaibigan para ihatid sa asawa ni Sandra.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments