4 na lalaki, nakitang patay sa loob ng tangke sa Batangas

Batangas – Patay na ng makita ang apat na lalaki sa loob ng isang bagong gawang tangke na imbakan ng ulan sa barangay san Francisco, Lipa, Batangas.

Kinilala ang mga biktima na sina Jimuel Dimaculangan, Jose Balboa, Enrique Erolon, at Jasper Balboa.

Ayon kay Rufino Tagle, kapatid ng isa mga sa mga biktima, pumasok sa tangke ang mga biktima para alisin ang mga kahoy na ginamit sa pagporma sa kontruksyon ng tangke.


Sinabi naman ni Lipa Police Chief Superintendent Meliton Salvadora, na posibleng na-suffocate ang mga ito habang ginagawa ang water tank.

Mayroong dalawang 30-inch diameter na butas ang nasabing storage tank na may lalalim na tatlong metro.

Habang nasa isang metro naman ang taas ng tubig sa loob ng tangke.

Facebook Comments