Walong tao, arestado nang salakayin ang isang one stop shop sa Quezon City

Quezon City – Arestado ang walong tao matapos salakayin ng pulisya ang one stop shop sa Payatas, Quezon City.

Ayon kay C/ Insp. Sandie Caparroso, hepe ng drug enforcement unit ng QCPD station 4, apat sa mga naaresto ay mga garbage collector at driver.

Aniya, mga dayo mula sa ibang lugar ang nagbabagsak ng droga sa Payatas.


Ilan naman mga suspek ang umaming runner pero itinanggi nilang gumagamit sila ng droga.

Sinabi naman ni Caparroso na tukoy na nila ang mga supplier ng mga ito.

Facebook Comments