4 na lungsod sa Metro Manila, tinukoy ng DOH na high-moderate risk ng COVID cases

Apat na mga lungsod sa Metro Manila ang tinukoy ni Treatment Czar Usec. Leopoldo Vega na nasa high-moderate risk ng COVID-19 cases.

Kabilang dito ang Makati, Quezon City, Taguig at Manila.

Ayon kay Vega, ang naturang mga lungsod ay may matataas na admissions sa COVID wards at beds.


53% aniya ng mga bagong kaso sa bansa ay mula sa Ncr, Cavite, Laguna at Bulacan.

Kinumpirma rin ni Vega na maraming mga ospital sa Metro Manila ang malapit na sa full capacity.

Bunga nito, minamadali na aniya nila ang pagtatayo ng modular hospitals o pagdaragdag ng bed capacity.

Partikular din na planong itayo ang modular hospital Sa Lung Center of the Philippines dahil malaki ang espasyo nito.

Binigyan na rin ng pamahalaan ng tig-5 million pesos ang mga ospital ng gobyerno sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan para makabili ng karagdagang mga kama para sa COVID patients.

Facebook Comments