4 na malalakas na lindol, naitala sa magkakahiwalay na lalawigan sa bansa

Manila, Philippines – Simula kagabi, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng apat na malalakas na lindol sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.

Kanina lamang, eksaktong 4:47, niyanig ang Bukidnon ng magnitude 5.3 na lindol sa layong 14 na kilometro sa silangan ng kalilangan at may lalim na 4 na kilometro.

Dahil dito, naramdaman ang intensity III sa Cagayan De Oro City ilang oras lamang matapos ang intensity I na naitala mula sa magnitude 4.4 na lindol sa Lanao Del Sur, kaninang mag-aalas-dos ng madaling araw.


Samantala, niyanig din ng magkasabay na lindol ang Occidental Mindoro at Batangas kagabi.

Alas-9:30 kagabi nang gumulat ang lakas na magnitude 5.6 na lindol sa Occidental Mindoro.

Kasabay nito, niyanig din ang Calatagan, Batangas ng lakas na 4.9 magnitude na lindol.

Sinasabing pawang tectonic ang pinagmulan ng mga naturang lindol na wala rin namang naitalang aftershocks at casualties.

Facebook Comments