4 na mataas na opisyal ng BIFF, sumuko sa mga militar

Kusang loob na sumuko sa tropa ng gobyerno ang 4 na mataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ayon kay Maj. Gen. Diosdado Carreon, Joint Task Force Central Commander, sumuko kahapon ang 4 rebelde na kabilang sa Bungos faction sa tropa ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Indatuan, Northern Kabuntalan Maguindanao.

Kinilala ang nagbalik loob na sina:


– Ibrahim Odin, Commander ng BIFF 3rd Brigade, 2nd Division

-Diya Musa, 1st Battalion Commander, 3rd Brigade, 2nd Division;

-Daud Paglas, admin officer, 1st Battalion, 3rd Brigade, 2nd Division,

– Yasser Abunawas, anak ni Abunawas Damiyog at operation officer ng 1st Battalion, 3rd Brigade, 2nd Division.

Kasabay ng pagsuko, isinuko rin ng 4 ang kanilang mga baril at mga gamit na pampasabog.

Nasa kustodiya sila ngayon ng 34IB.

Facebook Comments