4 na matataas na opisyal ng PhilHealth, kinasuhan sa Ombudsman

Inireklamo sa Office of the Ombudsman ni Attorney Harry Roque ang apat na mataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kasong graft at grave misconduct dereliction of duty at conduct prejudicial to the interests of the service ang isinampang kaso laban kina Dennis Mas, Regional Head ng PhilHealth-NCR; Ruben John Basa, Executive Vice President / Chief Operating Officer; Nerrisa Sugay, Chair ng ad hoc committee; at Gilda Salvacion Diaz, bagong head ng National Capital Region (NCR) 2018.

Sa labing siyam na pahinang reklamo nina Roque at dating head ng PhilHealth, Philippine Overseas Employment Administration (POEA) field office na si Ken Sarmiento, hindi umano inaksyunan ng naturang mga opisyal ang komprehensibong report hinggil sa nadiskubreng  pekeng pag-iisyu ng pekeng resibo sa mga one stop shop ng POEA units.


Taong 2014 pa umano nadiskubre ang organisadong money scheme pero sa halip na aksyunan ay sinibak sa puwesto ang gumawa ng report na si Sarmiento.

Dahil inupuan lamang ng mga inirereklamo ang sumbong, posibleng umabot na sa 150 million pesos ang nawalang pondo sa Philhealth.

Sapat na, aniya, ito upang pondohan sana ang Universal Healthcare program.

Facebook Comments