4 na mga taga North Cot pasok sa Top 10 September 2017 LET Exam

Muling namayagpag ang isang taga Mindanao matapos manguna sa September 2017 Licensure Examination for Teachers (Secondary Level).
Itoy sa katauhan ni Rhoy Autentico Omega ng University of Mindanao , Davao City na nakagpatala ng 93.80 % at sinundan pa ng isa pa ring taga UM Davao na si Brian Monpon Ba-an na nakukuha ng 92.60%.
Samantala bukod sa UM Davao, pasok rin sa Top 10 ang MSU Gensan, MSU Iligan, UM Tagum, Notre Dame of Marbel, COTABATO FOUNDATION COLLEGE OF SCIENCE & TECHNOLOGY at USM Kidapawan at Kabacan.
Kabilang sa Top 10 sina Cherry Lee Mendoza Buhay ng USM Kidapawan, Jurisken Lachica CedeÑo ng USM Kabacan at Jepold Leo Obiena Deasmin ng CFCSI, kapwa nakakuha ng 91% ang mga ito.
Sinasabing 49,626 examinees ang pumasa mula 107,020 examinees sa secondary level o (46.37%) .
Samantala Top 8 naman sa Elementary Level si Mara Shaira Angeles Galang ng USM Kabacan na nakakuha ng 86.80%.

Facebook Comments