4 na misyon, ipinunto ni PNP Chief Albayalde sa kauna-unahang Command Conference ngayong taon

Manila, Philippines – Pinangunahan mismo ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde ang kauna-unahang Command Conference ng Pambansang Pulisya para sa taong ito.

Ito ay upang mapag-aralan ang mga nagawa ng PNP sa nakalipas na taon at para talakayin ang kanilang Target para sa taong ito.

Kasama sa mga lumahok sa pagpupulong ang mga opisyal ng PNP Command Group, Directorial and Personal Staff, National Support Units at Separate Unit, at Police Regional Directors.


Kasunod nito, pinatitiyak ni Albayalde sa lahat ng mga Regional at Provincial Directors sa buong bansa lalo na sa Mindanao na maayos na maisasakatuparan ang Plebesito para sa Bangsamoro Organic Law at ang May 13 Midterm Elections.

Gayundin ang pagpapalakas ng kanilang kampaniya kontra Droga, Krimen at Katiwalian at ang pagsawata sa anumang banta ng Terrorismo.

Facebook Comments