4 na Nagpositibo sa COVID-19 sa Isabela, Nasa Mabuting Kalagayan!

Cauayan City, Isabela- Nasa maayos na kalagayan ang apat (4) na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer at Spokesperson ng Task Force COVID-19 sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Kasalukuyan aniya na naka-admit sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City ang tatlong (3) nagpositibo sa COVID-19 na taga Alicia, Isabela habang naka isolate naman sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City ang isang (1) nagpositibong estudyante sa Echague, Isabela.


Kaugnay nito, naka strict monitoring sa quarantrine ang kasambahay ng 3 COVID-19 patients sa Alicia at siya ay asymptomatic at nasa maayos din na kalagayan.

Gayunman, hinihintay pa rin ang update sa contact tracing ng 3 nagpositibo lalo na sa mga primary contacts ng mga ito.

Agad namang natukoy ang mga nakasabayang estudyante sa shuttle bus ng nagpositibo sa bayan ng Echague at sila’y naka close monitoring na rin sa kasalukuyan.

Facebook Comments