4 na NPA, patay; 9 pa, naaresto kabilang ang isang menor de edad sa Bukidnon

867

Nasawi ang 4 na miyembro ng New People’s Army (NPA) habang naaresto ang 9 na iba pa kabilang ang isang menor de edad matapos ang sagupaan sa pagitan ng mga NPA at militar sa Brgy. Mabuhay, San Fernando, Bukidnon kanina.

Ayon kay Major Francisco Garello, Chief ng Division Public Affairs Office ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, nakatangap ng impormasyon ang mga sundalo na may nangyayaring recruitment at extortion activities ang NPA sa Brgy. Mabuhay, San Fernando.

Kaya agad isinagawa ng tropa ng 403rd Infantry Brigade of the 4th Infantry Division ng Philippine Army ang operasyon, at dito na nila nakasagupa ang nasa 20 myembro ng NPA.


Tumagal nang isang oras ang sagupaan dahilan ng pagkasawi ng 4 na NPA at pagkaaresto ng 9 na iba pa kabilang ang isang 12 anyos.

Nakuha rin sa pinangyarihan ng sagupaan ang tatlong AK-47 rifle, M16 rifle at isang M203 grenade launcher.

Facebook Comments