Dating CamSur Governor at dating Congressman Luis Villafuerte Sr., pumanaw na sa edad na 86

320

Kinumpirma ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte ang pagpanaw ngayong araw ng amang si dating Camarines Sur Governor at dating Congressman Luis Villafuerte Sr., sa edad na 86.

Sa inilabas na statement ng kongresista, kaninang madaling araw ng 12:35 ng umaga pumanaw ang kanyang ama sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.


Hindi naman idinetalye ng anak na kongresista ang sanhi ng pagkasawi ng ama.

Tinawag ni Cong. LRay na “True Champion” ang kanyang ama dahil sa huling sandali ng buhay nito ay ang bayan pa rin ang hiniling nitong ipagdasal ng kanilang pamilya.

Nito lamang August 29 ay ipinagdiwang niya ang kanyang ika-86 na kaarawan.

Naging public servant ang kanyang ama sa loob ng 40 taon kung saan 16 na taon itong nagsilbi bilang gobernador ng Camarines Sur.



Naging kinatawan din si Villafuerte ng Camarines Sur 2nd District sa Kamara noong 2004 hanggang 2010 at kinatawan ng Camarines Sur 3rd District noong 2010 hanggang 2013.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Kamara, sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco.


Facebook Comments