4 na NPA sumuko sa 6th ID

22

Sumuko sa military ang 4 na mga myembro ng New Peoples Army sa bahagi ng Brgy Titulok, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Sa impormasyong ipinrating ng 6th ID sa DXMY nagmumula ang mga sumuko sa Platoon Myphone ng Guerilla Front 73. Kinilala ang mga sumuko na sina Beboy Flag Mek, 24 years old, Arjohn Dang Blagan aka Arjun, 23 years old, Osing Samandal Kuyan aka dodong, 21 years old, at Robert Pandat Balabagan aka Arnold, 21 years old.

Isinuko rin ng mga ito ang 2 M16 at AK 47 rifle at mga bala. Sumuko ang mga ito sa pinagsanib na pwersa ng 57th IB at 33rd IB ng 6th ID(DENNIS ARCON)

Facebook Comments