CIA ng Amerika, binanatan ng pangulo

299

Manila, Philippines – Wala umanong ibang sisisihin si Pangulong Rodrigo Duterte kundi ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika sakaling mamatay siya o may mangyaring masama sa kanya.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang kahapon, ipinahiwatig ng pangulo na pinagtatangkaan ng CIA ang kanyang buhay.

Giit pa ni Duterte, darating ang araw na paaalisin niya ang mga ito sa bansa.

Sabi pa ng pangulo, sasabihin niya ang mga dapat sabihin sa mga dadalong pinuno ng bansa sa gaganaping asean summit sa Nobyembre.

Isa si U.S. President Donald Trump sa mga kumpirmadong dadalo sa ASEAN.

Facebook Comments