4 na Pilipinong kadete, nagtapos sa United States Coast Guard Academy Class sa New London, Connecticut

104

Apat na Pilipinong kadete ang matagumpay na nagtapos sa United States Coast Guard Academy Class (USCGA) sa New London, Connecticut.

Batay sa Facebook post ng Philippine Coast Guard, kinilala itong sina Eric Joseph Noble, Genison Basilio, Daisy Anne Atayan at Dianne Shaira Basuel.


Sila ay mula sa 240 kadete na nagtapos nitong Miyerkules kung saan pito lamang ang international students.

Ayon pa sa PCG, isa sa mga ito ay anak ni Coast Guard District Palawan Commander Commodore Genito Basilio na nagtapos with honors.

Dumalo si US President Joe Biden sa seremonya.

Ang mga nagtapos ay sasailalim sa Coast Guard Officer’s Course (CGOC) training upang maging PCG commissioned officers.



Sa kabuuan ng mga nagtapos sa USCGA ngayong taon, 34 porsyento sa mga ito ay babae at 34 porsyento ang underrepresented minority groups.


Kasama sa mga ito ang 22 African Americans na siyang pinakamaraming African American na nagtapos sa academy.

Facebook Comments