4 na Pinoy na biktima ng human trafficking sa Myanmar, nakauwi na ng bansa

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na dumating na sa bansa mula Myanmar ang 4 na Pilipinong biktima ng illegal recruiters.

Sila ay kinabibilangan ng dalawang babae at dalawang lalaki na pawang nasa 30’s ang edad.

Inamin ng apat na sila ay nagpanggap na turista at lumipad patungong Hong Kong, Thailand, at Taiwan pero kalaunan ay isinakay sila ng bangka patungong Myanmar.


Pinangakuan daw sila ng trabaho sa call center subalit sila ay ipinasok sa online scams.

Ayon sa BI, Pilipino ang recruiter ng apat na biktima.

Facebook Comments