4 na pulis, arestado dahil sa pangongotong

41

Nadakip sa ikinasang entrapment operation ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 4 na pulis na sangkot umano sa pangongotong.

Inaresto ang mga pulis kagabi sa Police Community Precinct 5 sa Baseco, Maynila.


Kinilala ang mga ito na sina:

-PCpl Nickson B Mina

-PCpl Juan Carlo D Guzman

-PCpl Fransis Mikko G Gagarin

-Pat Tom D Hikilan

Sa report ng IMEG huli ang 4 sa aktong tumatanggap ng P200,000 na marked money mula complainant na si Alaysa Panansang.

Nagreklamo kasi ito sa IMEG na humingi ng P500,000 ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng kanyang asawa na si Kelvie Panansang na naaresto dahil sa iligal na droga noong November 12.

Bukod sa marked money, kinuha na rin mula sa mga pulis ang kanilang mga PNP ID at issued short fire arms.

Mahaharap sa kasong extortion para sa criminal case at grave misconduct naman para sa admin case ang mga naarestong pulis.

Facebook Comments

From Advertisers