4 na pulis patay sa COVID-19 sa nakalipas na apat na araw

Umabot na sa 44 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang namatay dahil sa COVID- 19, matapos na madagdag sa nasawi ang 4 na pulis nitong nakalipas na mga araw.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar ang apat na biktima ay isang 48 anyos na lalaking Non-Commissioned Officer na naka-talaga sa NCRPO na pumanaw noong Abril 8.

Isang 64 na taong gulang na lalaking Non-Uniformed personnel na naka-assign sa Directorate for Intelligence na pumanaw noong Abril 9.


Isang 53 taong gulang na lalaking Police Commissioned Officer na naka-assign sa Police Regional Office (PRO) 3 na pumanaw noong Abril 10.

At isang 48 taong gulang na Police Non-Commissioned Officer mula din sa PRO 3, na pumanaw kahapon lang.

Sa ngayon mas mahigpit na pinagbawalan ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang mga tauhan ng PNP na mag self-medicate at mag-home quarantine Lang kapag may naramdamang sintomas ng sakit.

Giit ng opisyal kailangan na I-report agad ng mga pulis sa PNP Health Service kung sila ay may karamdaman para mabigyan ng gamot o maobserbahan.

Facebook Comments