4 na pulis, sugatan sa pag-atake ng NPA sa Misamis Occidental habang isang rebelde ang nasawi

332

Sugatan ang apat na pulis makaraang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA).


Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac alas-7:50 ng umaga naganap ang pag-atake.

Nagbabantay lang ang mga pulis sa advance command post sa Barangay Putongan, Concepcion, Misamis Occidental nang paputukan sila ng mga NPA.

Dahil dito, kinilala ang mga nasugatan na sina: PCpl. Marvin Inton, PSSg. Larry Millan, PCpl. Leo Gumisad at Patrolman Ritchel Tañola.

Nasawi naman ang isang rebelde.

Agad namang rumesponde ang 1st Provincial Mobile Force Company ng Misamis Occidental Provincial Police Office at Philippine Army sa lugar para tugisin ang mga umatakeng rebelde.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng pulisya at militar laban sa mga NPA.




Facebook Comments