4 na staff ni Spokesperson Roque, tinamaan ng COVID-19, isa sa mga ito kinailangang dalhin sa ospital

Tinamaan ng COVID-19 ang apat na kawani ng Office of the Presidential Spokesperson.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, karamihan sa mga tinamaang empleyado ay bakunado na habang isa sa mga ito ay seryoso ang kondisyon kaya kinailangang dalhin sa hospital.

Ani Roque, ang isang dinala sa ospital ay isang driver na hindi pa fully vaccinated.


Samantala, ang tatlo naman ay naka-isolate na at kasalukuyang nagpapagaling.

Paliwanag pa ni Roque, wala siyang close contact sa mga ito dahil skeletal workforce lamang ang mayroon ngayon sa kaniyang tanggapan dahil na rin sa pag-iral ng 2 linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Facebook Comments