4 na suspek sa pagpaslang kay Barangay Chairwoman Beng Beltran, arestado sa QC

Manila, Philippines – Naniniwala si Acting Mayor Joy Belmonte na malaking tulong ang 5 milyong pisong pabuya para maaresto ang suspek sa pagpaslang sa isang Barangay Bagong Silangan QC January 30 Miyerkules ng umaga sa JP Rizal Street Barangay Silangan Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Teofilo Formanes 48 anyos, Ruel Juab 38 anyos, Orlando Juab 32 at Jopoy Juab 28 na naaresto sa Commonwelth Market si Teofilo na gunman.

Matatandaan na sakay ng kanyang kotse si Barangay Bagong Silangan Chairwoman Beng Beltran at binabagtas ang kahabaan JP Rizal Street Brgy. Bagong Silangan nang tambangan ng mga suspek at pinagbabaril na ikinamatay din ng driver nito na si Melchor Salita.


Sa ginanap na Presscon sa Kampo Karingal, sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na hindi pa rin matukoy kung ano ang motibo ng mga suspek dahil hindi pa rin nakilala ang mastermind pero ikinakunsidera nito na closed na ang naturang kaso.

Facebook Comments