4 na tauhan ng NCRPO, under monitoring dahil sa COVID-19

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Debold Sinas na dalawang pulis at dalawang non-uniformed personnel ng Philippine National Police ang nakakwaratina dahil sa COVID-19.

Sa pulong balitaan sa QCPD Police Station 10, sinabi ni Sinas na ang dalawang non-uniformed police personnel ay bumiyahe ng Japan noong March 4.

Mayroon naman, aniyang, travel order ang mga ito pero dahil isa ang Japan ang isa sa bansang may maraming kaso ng COVID-19, isinailalim na agad ang mga ito sa kwarantina sa loob ng labing-apat na araw.


Ang isang pulis naman may ranggong Police Lieutenant Colonel ay may asawang bumiyahe ng Japan noong March 5.

Mayroon na umano itong sore throat at lagnat pero sa pagsusuri sa kanya ay mayroon itong tonsillitis.

Habang ang pulis na may ranggong Staff Sergeant ay isang Muslim personnel sa PCP Greenhills, San Juan.

Palagi umanong nagdarasal ang pulis sa prayer room sa Greenhills kung saan nakasalamuha niya ang victim #6 ng COVID-19.

Facebook Comments