Pasig DRRMO, nagsagawa ng contact tracing kaugnay sa COVID-19 isyu

Nagsagawa na ng contact tracing ang Pasig City Disaster Risk and Reduction Management Office para matukoy kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Pasig City DRRMO Chief Bryant Wong sinimulan na nila ang contact tracing sa pasyenteng nagpositibo ng COVID-19 na galing umano sa Japan at inaalam na rin kung sino ang mga nakasalamuha nito upang agad na magawan ng kaukulang lunas.

Paliwanag ni Wong mahalaga na malaman kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng nagpositibo ng COVID-19 upang hindi na dumami pa ang mga mahahawan ng naturang virus.


Umapila rin si Wong sa mga residente ng Pasig na agad makipag-ugnayan sa Health Department ng Pasig kung mayroon silang nalalaman na nagpositibo ng COVID-19 upang agad na magawan ng kaukulang aksyon.

Facebook Comments