4 na tripulanteng Pinoy na lulan ng isang Korean vessel na nabangga ng Taiwanese vessel, makakabalik na ng bansa sa susunod na linggo

120

Makauuwi na sa Pilipinas sa susunod na linggo ang apat na tripulanteng Pilipino na kabilang sa higit 30 tripulanteng nakaligtas matapos banggain ng isang Taiwanese vessel ang sinasakyan nilang Korean vessel sa Solomon Island nitong nakalipas na Hunyo 8.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Atty. Hans Leo Cacdac na naka-quarantine ngayon sa isang hotel sa Taiwan ang apat na tripulanteng Pinoy.

Ayon kay Cacdac, maayos naman ang kalagayan ng mga ito at sa katunayan, binisita na sila ng labor officers natin sa Taiwan at pinagkalooban ng tulong.


Kabilang sa mga Pinoy na ito ay kinilalang sina Mark Anthony Camense, Jovencio Mariano, Jhoecel Asturias at Marielo Bautista.

Facebook Comments