4 na Tulak ng Droga sa Santiago City, Arestado sa Buy Bust Operation!

49

*Santiago City- *Arestado ang apat na na tulak ng droga matapos kumagat sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad sa brgy. Batal Stgo. City.

Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Lao, 32 anyos, may asawa, residente ng Tondo, Manila, David Tolentino, 48 anyos, may asawa, magsasaka at residente naman ng Ramon West, San Isidro, Isabela, Pablo Corpuz, 49 anyos may asawa, mekaniko, residente ng Nagassican, Santiago City at si Amorlito Sola, 43 anyos, may asawa magsasaka at residente naman ng brgy. Rizal, Sgto. City.

Batay sa nakalap na impormasyon RMN Cauayan sa Santiago City PS1, nakatanggap ng impormasyon ang kanilang himpilan mula sa isang concerned citizen hinggil sa pagtutulak ng apat na suspek na agad namang nirespondehen ng mga pulis.

Nadakip naman ang mga ito matapos kumagat sa pa-in ng mga otoridad at nakuha mula sa pag iingat ng mga suspek ang ibinentang dalawang sachet ng shabu, isang libong piso at dalawang libong boodle money.

Nakuha rin mula sa pag-iingat ni Lao ang isa pang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang kalibre kwarentay singko na imbel pistol.

Sa ngayon ay nasa piitan na ng Santiago City Police office ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments