NOT GUILTY | Kabiyak ni Bong Revilla, ikinatuwa ang naging desisyon ng Sandiganbayan

243

Manila, Philippines – Labis ang kagalakan ng kabiyak ni dating Senador Bong Revilla na si Lani Mercado sa desisyon ng Sandiganbayan.

Aniya, ito ang araw na matagal na nilang pinakakahintay at itinuturing nila itong isang maagang Pamasko sa kanilang pamilya.

Aniya, natutuwa sila dahil lumabas na rin ang katotohanan na hindi nakinabang ang kaniyang mister sa PDAF noong siya ay Senador pa.

Nagpasalamat si Lani sa anti-graft court at sa lahat ng kanilang tagasuporta.

Kapag matapos ang lahat ng proseso ngayong araw ay bibisita muna sa puntod ng kaniyang ina si Senador Bong saka didiretso sa mga tagasuporta para magpasalamat.

Facebook Comments