4 na vaccine manufacturers nagpadala na sa FDA ng amendment sa kanilang EUA para sa booster shot

Kinumpirma ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na nagpadala na sa ahensya ng application for product variation or amendment ang 4 na vaccine makers.

Sa taped talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniulat ni Director Gen. Domingo na nais kasi ng mga ito na maamyendahan ang kanilang Emergency Use Authorization (EUA) upang maisama ang third dose o booster shot.

Kabilang sa mga naghain ng EUA amendment ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac, at Sputnik V.


Dagdag pa ni Domingo, pinadala na ng mga vaccine manufacturers na ito ang kanilang scientific data na nagsasabing ligtas, epektibo at nagbibigay ng karagdagang proteksyon ang 3rd dose o booster shot.

Sa ngayon aniya ay masusi itong pinag-aaralan ng ating mga eksperto.

Facebook Comments