4 na Vietnamese na bihag ng Abu Sayyaf Group, nailigtas ng militar; Pero isa sa mga bihag, patay na

Manila, Philippines – Nailigtas ng militar ang apat na Vietnamese na dinukot ng Abu Sayyaf Group noong February 25, 2017 sa Pearl Bank, Pangutaran, Sulu.

Alas 7:45 ng umaga, kanina ng ma-rescue ng militar ang mga Vietnamese na sina Buy Xuan Vien, Bui Trung Duc, Nguten Quang Huy, sa Kang Tipayan Island in Languyan, Tawi-Tawi.

Pero ayon kay Captain Jo-ann Petinglay, spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, patay na ang ang isa apat na Vietnamese na dinukot na si Nguyin Huu Trong.


Nasawi aniya ito dahil sa sakit sa siyam na buwang pagkakabihag ng Abu Sayyaf Group.

Ang mga kidnap victims ay crew ng Marine Vessel Giang Hai 5.

Sa labing pitong sakay ng barko dalawa ay una nang nasawi matapos na tangkaing tumakas.

Sa ngayon, nailipat na sa Zamboanga City para sa medical treatment at proper disposition.

Facebook Comments