4 na volcanic tremor sa Bulkang Taal, naitala ng PHIVOLCS

Naitala ang apat na volcanic tremor sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumagal ng dalawa hanggang limang minuto ang mga pagyanig.

Bukod dito ay naglabas ng 4,474 na toneladang sulfur dioxide ang bulkan at umakyat ang usok ng hanggang 1,500 metro.


Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa mga panganib tulad ng biglaang pagsabog ng bulkan, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, at pagkakaroon ng lethal volcanic gas.

Samantala, sinuspinde naman ng Department of Education (DEPED) ang 19 paaralan sa Batangas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Facebook Comments