Libreng sakay sa LRT-1, umarangkada na!

348

Umarangkada na ang “Libreng Sakay” para sa mga pasahero ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT1) mula EDSA Station hanggang Manila Bay Aseana ngayong araw hanggang Abril 17.

Ito ay sa pamamagitan ng City Optimized Managed Electric Transport (COMET) Mini-Bus na kayang magsakay ng 30 pasahero kada biyahe.

Maliban dito ay palalawigin din ang libreng sakay hanggang sa Makati Central Business District ang at ito ay at iaalok sa mga LRT-1 Riders’ Club Members.


Samantala, naging matagumpay naman ang unang araw ng libreng sakay sa MRT-3 dahil umabot sa 285,091 na mga pasahero ang sumakay at inaasahang tataas pa ito sa 300,000 hanggang sa 400,000 sa mga susunod pang araw.

Facebook Comments