
Nadagdagan pa ang bilang ng mga sangkot sa nangyaring hazing sa higit 20 underclassmen ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Nabatid na may tatlo nang naunang mga kadete ang dinala na sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bukod sa nasabing tatlong nauna na dawit sa hazing ay may apat pang mga kadete ng Akademya ang may direkta umanong partisipasyon sa nasabing insidente.
Ayon sa PNP, nagsilbi na sila ng subpoena, nagsagawa ng joint case conferences at on-site inspection sa mga barracks ng mga kadete para sa balidasyon ng kanilang mga pahayag at makakuha ng mga ebidensya.
Nagpapatuloy naman ang case build-up ng mga awtoridad nasa nasabing insidente.
Facebook Comments










