Saturday, May 16, 2026

Pagbibigay ng moratorium sa utang at condonation ng penalties sa mga GOCC at Financial Institutions, isinusulong ng isang senador

Isinusulong ni Senator Mark Villar ang pagpapatupad ng loan moratorium, grace period, at condonation ng penalties sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) at financial institutions para sa kanilang mga miyembro at pensioner.

Sa Senate Resolution No. 366 na inihain ni Villar, saklaw ng panukalang loan moratorium at penalty relief ang Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), LandBank, at Development Bank of the Philippines (DBP).

Layunin ng panukala na mabigyan ng pansamantalang ginhawa ang mga miyembro sa pamamagitan ng suspensyon ng pagbabayad ng loan, pagtanggal ng penalties, at pagbibigay ng mas flexible na mga termino sa pagbabayad.

Nakasaad din sa panukala ang isa hanggang tatlong buwang loan moratorium, condonation ng penalties, loan restructuring, pagbawas ng interest rate, at mas mabilis na pag-apruba ng calamity o emergency loans na may kasamang grace period.

Ayon kay Villar, ibinatay ang mga hakbang na ito sa mga naunang tugon ng pamahalaan noong panahon ng pandemya upang maiwasan ang pagkabaon sa utang ng mga miyembro at pensioner, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng oil crisis.

Facebook Comments