4 pang mga Pinoy na sakay ng Diamond Princess Cruise Ship, nagpositibo sa nCoV

206
Photo By: Kim Kyung-Hoon, Reuters

4 pang mga Pilipino na sakay ng Diamond Princess Cruise Ship na nakadaong sa Yokohama, Japan ang nagpositibo sa nCoV.

Bunga nito, umaabot na sa 5 ang bilang ng mga Pinoy na sakay ng nasabing barko ang positibo sa nCoV.


Ang naturang mga Pinoy ay ginagamot na ngayon sa mga ospital ng Japan.

Ang nasabing 4 na Pinoy ay pawang crew ng cruise ship.

Patuloy naman na tinututukan ng Philippine Embassy sa Japan ang kalagayan ng iba pang Pinoy na sakay ng Diamond Princess.

Ang nasabing barko ay naka quarantine ngayon sa Yokohama simula pa noong Pebrero 4, matapos na magpositibo sa nCoV ang ilang sakay nito.

Facebook Comments