Mister, kulong matapos mairekord ng asawa ang panggagahasa sa 13-anyos

19427

MICHIGAN, USA – Kulong ang isang lalaki matapos mapatunayang guilty laban sa kasong rape sa isang 13-anyos na nakuhanan sa security camera sa kwarto ng kanyang sariling asawa.

Humaharap sa ‘two-counts of first-degree criminal sexual conduct‘ ang suspek na si Mark Andrew Sorenson, 61, na sinintensyahan ng hindi bababa sa 15 taong pagkakakulong.

Base sa inilabas na dokumento ng korte, dating foster parent si Sorenson kasama ang asawang si Stacy, 51, at hinirang bilang tagapagtanggol ng mga kabataang inaabuso.


Ayon sa ulat ng MLive.com, isinumbong ni Stacy ang asawa sa opisina ng Muskegon County Sheriff noong Abril nang matuklasan ang panghahalay matapos mag-ingay ang kanyang cellphone dahil sa kakaibang nakita sa security camera.

Dito umamo tumambad sa kanya ang krimeng ginagawa ng asawa na lumabas pa livestream sa app ng kanyang cellphone.

Kinabukasan, inihatid ni Stacy ang video sa sa pulisya, rason para agad arestuhin ang kanyang mister.



Gayon pa man, nahatulan din ito dahil sa hindi pagsusumbong ng
pang-aabuso matapos niyang mapanood ang nauna na palang panghahalay sampung araw bago pa mangyari ang naiulat na krimen.

Sa isinulat ng piskal sa nasabing dokumento, nakasaad na matapos matunghayan ang video ay wala itong ginawa at bumalik lamang sa pagtatrabaho.

Iniwan niya raw ang bata sa kanilang bahay at hindi umaksyon para mapigilan ang panggagahasa.

Ngunit sa iniwang salaysay ng Child Protective Service, hindi nairekord ni Stacy ang unang video kaya nilagyan niya ng memory card ang cellphone para umano may patunay sakaling maulit ang krimen.

Inamin nito na ginawa niyang pain ang biktima para mahuli ang ginagawa ng asawa.

Dahil dito, humaharap sa isang taong pagkakakulong si Stacy.

Nakipaghiwalay na rin ito sa asawa dahil sa nangyaring krimen.

Facebook Comments