Apat na mangingisda ang nasawi habang isa ang nawawala sa pagtaob ng isang malaking bangka sa Bataan.
Sa ulat, Hunyo 22 nang maglayag ang bangka sakay ang 49 na mga mangingisda mula sa Nasugbo, Batangas.
Pero kinagabihan, habang nasa dagat na sakop ng Mariveles, Bataan ay inabutan sila ng malakas na ulan at hangin dahilan para tumaob ang kanilang bangka noong madaling araw ng Hunyo 23.
Nagpalutang-lutang ang mga mangingisda hanggang sa makita sila ng iba pang mangingisda na sumagip sa kanila dakong alas-8:00 na ng umaga.
Patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang isa nilang kasamahan.
Muli namang nagpaalala ang PNP maritime unit na iwasang maglayag kapag masama ang panahon upang makaiwas sa anumang trahedya.
Facebook Comments