FDA, nagbabala sa pagbili at paggamit ng isang brand ng pabango

123

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili at paggamit ng isang pabango na hindi awtorisadong ibenta sa bansa.

Sa FDA Advisory No. 2022-1187, napag-alaman na walang valid Certificate of Product Notification (CPN) ang Victoria’s Secret Fragrance Mist Sheer Love.

Dahil hindi dumaan sa notification process ng FDA, hindi magagarantiya ng ahensya ang kalidad at kaligtasan sa kalusugan ng sinumang gagamit nito.


Posible kasi na mayroon itong sangkap na hindi pinapayagang ihalo o kontaminado ng heavy metals na pwedeng magdulot ng skin irritation, pangangati, anaphylactic shock at organ failure.

Facebook Comments