4 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Basilan

Basilan – Apat ang patay at isa ang sugatan sa pamamaril sa Hadji Muhtamad, Basilan.

Sa inisyal na report ng mga otoridad, sumugod ang suspect na si Albani Ahmad sa bahay ng mga biktima dala ang isang m16 rifle at agad nagpaputok.

Ang mga namatay ay sina Bassal Sahibad, Raddiyo Sahibad, Nasra Asamudding at isang nagngangalang “Arab” ang agad namatay sa insidente at sugatan naman ang isang nagngangalang “Parisa” sa pamamaril.


Hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng otoridad ang mga suspect na tumakas.

Agad namang inilibing ang mga nasawi alinsunod sa kulturang Islam.

Facebook Comments