4 patay habang 30 nawawala sa baha sa Western Germany

Aabot sa 4 katao ang patay habang 30 ang nawawala matapos bumaha dahil sa malakas na ulan sa kanlurang bahagi ng Germany.

Ayon sa otoridad, anim na gusali ang gumuho at 25 na kabahayan ang nanganganib ding gumuho sa Eiffel region.

Dalawang bombero naman ang nalunod.


Samantala, patuloy pa ring makakaranas ng malakas na pag-ulan ang southwestern Germany hanggang Biyernes ng gabi ayon sa German Weather Service.

Facebook Comments