4 patay matapos mahulog, magliyab ang sinasakyang kotse sa kanal sa Pampanga

693

Nasawi ang apat katao nitong Huwebes matapos mahulog sa kanal na sinundan ng pagliyab ng sinasakyang kotse sa Clark Pampanga.

Kinilala ang biktima na sina Jan Lionel Laiz, Janelle Obar, Jerome Paeste, at Michelle Rodriguez na pawang mga empleyado ng isang resort sa Clark.


Batay sa ulat ng awtoridad, dumiretso daw ang sasakyan sa kanal at doon mismo nasunog.

Tinatahak umano ng sasakyan ang kahabaan ng Manuel Roxas highway nang maaksidente ang mga biktima.

Mabilis na pagpapatakbo ng kotse ang nakikitang dahilan ng insidente.

Samantala, dinala na rin sa kanya-kanyang probinsya ang mga nasawi.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang buong pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers