VIRAL: 3 pulis na abala umano sa paglalaro ng mobile game, inirereklamo

2904

Viral ngayon online ang video nang tatlong pulis na umano’y naglalaro ng mobile habang may sibilyang humihingi ng saklolo.

Sa kuhang bidyo ni Facebook user Owace Rovie, maririnig ang boses ng lalaking humihingi ng saklolo pero tila hindi siya pinapansin ng kinauukulan dahil abala sa paglalaro.


Batay sa post, nangyari ang insidente bandang alas-3 ng madaling araw noong nakaraang linggo.

Ayon sa nagrereklamo, masama ang loob niya dahil mas inuna umano nilang maglaro ng Mobile Legends kaysa rumesponde at magpatrolya sa lugar.

“Ako po maka PULIS po ako kaya lang medyo nabastusan ako sa pinakita nilang asal dahil emergency at need mapuntahan o mahuli agad ang mga sumaksak.,” giit ng dismayadong netizen.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa pangyayari.

Inaalam na din nila ang pagkakakilanlan ng uploader, lalaking nagrereklamo, at tatlong pulis na nasa viral video.

Facebook Comments

From Advertisers