
Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nasa mahigit 130,000 na indibidwal na ang naapektuhan ng Bagyong Basyang.
Ayon kay OCD Spokesperson Junie Castillo, nasa 30,000 dito ay naitala mula sa Region 10 habang nasa mahigit 100,000 naman ang naitala sa CARAGA.
Samantala, apat naman ang naitalang nasawi mula sa isang pamilya na kinabibilangan ng dalawang matanda at dalawang bata sa Brgy. Agusan. Cagayan De Oro dahil sa landslide.
Sa huling tala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa tatlong munisipalidad at bayan naman sa CARAGA ang interrupted ang power supply.
Nasa kabuuang 41 naman na pantalan ang kanselado at non-operational mula sa Region 6, Negros Island Region (NIR), at CARAGA region.
Tiniyak naman ng OCD na naka-preposition ang mga Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at OCD offices at patuloy ang kanilang monitoring at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at iba pang mga response clusters katuwang ng ibang ahensya ng pamahalaan.










