
Hindi nagustuhan ng mga kasamahang mambabatas sa House Justice Committee ang sinabi ni Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay patungkol sa aktres na si Ann Curtis.
Sa pagtalakay ng komite sa ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ay ipinatanggol ni Suntay ang pahayag ng ikalawang pangulo ukol sa pagiging designated survivor nya.
Ayon kay Suntay, ito ay maaaring biro at imahinasyon lang katulad ng imahinasyon niya nang makita ang aktres na si Curtis sa isang mall.
Ang nabanggit na pahayag ni Suntay ay agad ipinatanggal ng mga kongresista sa record ng komite.
Bunsod nito ay pinaalalahanan ni Committee Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro ang mga miyembro ng komite na kung ang kanilang manifestations ay nakakasakit sa mga kapwa mambabatas ito ay nangangahulugan na sila ay lumalabis o lumalagpas na sa boundaries o limitasyon.










