4 PATAY sa FREE TASTE ng ALAK sa Iriga City CamSur

Apat katao ang namatay sa Sitio Tubigan, Barangay Sta. Maria sa Iriga City dahil sa pag-iinom ng alak – unbranded – na pinamigay ng isang kinilalang Engr. Glen Castillo. Si Castillo ay nagpakilalang mahusay na mananaliksik na minsan ng na-feature sa TV.
Sa pahayag ni Chief of Police ng Iriga City – PSupt Chito Oyardo, si Castillo ay napag-alamang nag-aalok ng kanyang self-formulated organic fertilizer at mineral alkaline concentrate na inihahalo sa tubig.
Ayon sa report, nag-alok umano si Engr. Castillo ng kanyang bagong na-formulate na alak at pina-sampolan ito sa mga taga Sitio Tubigan. Apat sa mga nakainom nito ang napabalitang binawian ng buhay.
Pinaiimbistigahan pa ngayon ang nasabing unbranded na inumin para malaman kung anong toxic substance ang nakahalo dito.
Ang lalaki sa larawan ay kinilalang si Engr. Glen Castillo na minsan na ring na-feature ni Kuya Kim Atienza sa TV dahil sa kanyang naimbentong mineral alkaline concentrate.
Kasalukuyan pang pinaghahanap ng pulisya si Engr. Castillo matapos mapag-alamang nag-check-out na ito sa isang hotel na tinutuluyan niya ng siya ay nasa Iriga City at nakikipagkalakalan.
Sinasabing pati si Engr. Castillo ay uminom din daw ng kanyang sariling-timplang inumin.
Wala pang balita sa kanyang kinaroroonan habang sinusulat ang balitang ito.
Babala ngayon sa publiko, wag basta-basta tumikim ng kung anu-anong libreng pagkain o inumin na pinapa-sample ng kung sinu-sino sa inyong lugar.

Reference: fb Storyline by RadyoMaN Grace Inocentes
PhotoCredit: fb RadyoMaN Paul Santos

Facebook Comments