4 patay sa pagsabog ng granada sa Sulu

195

Manila, Philippines – Patay ang apat katao habang 19 ang sugatan matapos sumabog ang isang granada sa barangay Busbus, Jolo, Sulu.
 
Sa inisyal na ulat ng Jolo police, nangyari ang nasabing pagsabog dakong alas-7:10 kagabi malapit sa karina bakeshop and grocery.
 
Hindi pa tinutukoy ng pulsiya ang mga pagkakakilanlan ng mga nasawi maging ang mga sugatan sa nasabing insidente.
 
Kaugnay nito, kinumpirma ni joint task force Sulu Commander Col. Cirilito Sobejana na naaresto na nila ang suspek sa isinagawang joint pursuit operation.
 
Pero tumanggi muna siyang pangalanan ang suspek dahil patuloy pa ang kanilang operasyon laban sa mga kasamahan nito.
 

Facebook Comments