Self-confessed hitman na si re tired SPO3 Arthur Lascañas, tetestigo para sa impeachment case laban kay Pangulong Duterte

88
Manila, Philippines – Nakahandang tumestigong muli ang self-confessed member ng umano’y Davao Death Squad na si retired SPO3 Arthur Lascanas para sa impeachment case laban kay Pangulong Duterte.
 
Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, ito ay kung maitutuloy ang proseso ng impeachment na isinampa ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano laban sa Presidente.
 
Positibo naman si Trillanes na may mga bagong impormasyon pang makukuha kay Lascañas na hindi pa nito nailalabas noong sumalang ito sa imbestigasyon sa Senado.
 
Matatandaang nauna nang pahayag ng house leaders na maaaring maibasura lamang ang complaint dahil sa kakapusan ng suportang makukuha mula sa hanay ng mga Kongresista.
 
Aminado naman si Trillanes na hanggang ngayon ay wala pa silang mapanghahawakang bilang ng susuportang Senador sa impeachment, lalo’t hindi pa nasisimulan ng Kamara ang pagdinig tungkol dito.

Facebook Comments