4 PROBINSYA SA CORDILLERA, IDINEKLARANG SELF-SUFFICIENT SA BIGAS

CAUAYAN CITY- 82 porsiyento ang idineklarang self-sufficient sa bigas sa buong Cordillera Administrative Region.

Ayon kay Engr. Danilo Daguio Regional Technical Director for Operation DA-CAR, sa anim na lalawigan sa Cordillera ay apat rito ang self-sufficient sa bigas na kinabibilangan ng Kalinga, Apayao, Abra, at Ifugao.

Ang rehiyon ng Cordillera ang pinanggagalingan ng maraming suplay ng gulay kung saan isinusulong ang pagtatanim ng yellow at white corn dahil magagamit ang yellow corn bilang pagkain ng mga alagang hayop habang alternatibong pagkain naman ang white corn.


Sa kasalukuyan, pinaghahandaan naman ng ahensya ang paparating na epekto ng La Niña sa rehiyon lalo na sa mga magsasaka.

Facebook Comments